Posts

Showing posts from July, 2018

Pambungad na talumpati sa pagbubukas ng unang pulong ng Southern Tagalog Youth Parliament

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng totoong pagbabago? Nabubuhay tayo sa isang mundo na araw-araw nating napapanood sa mga balita ang mga nakahandusay na katawang wala nang hininga—nababalutan ng itim na garbage bag at plaster; ng kaliwa’t kanang  ligalig sa pulitika; kahirapan; digmaan at marami pang iba. Napakadaling sabihing kailangan natin ng pagbabago—ng totoong pagbabago. Ang totoong pagbabago ay ang pagkain sa mga tiyan ng mga mahihirap nating kapwa kabataan. Tayo ang magbubunsod ng totoong pagbabago—hindi isang indibidwal o bagani. Ang totoong pagbabago ay ang pag-alam sa ating mga sarili at ating kapaligiran at gawin itong mas maayos at mas mabuti. Ang totoong pagbabago ay hindi ang paghihintay kundi ang paglikha ng sarili nating tadhana.   Pero sino ang gagawa nito? Lahat ay may kakayanan ngunit tayong mga kabataan ang may pinaka-interes na baguhin ang lipunan—dahil tayo ang magmamana nito. Ikaw, iyang katabi mo, yung grupo ng mga Iskolar diyan, iyong mga artist...